Wednesday, February 24, 2010

birthday pills.

(crazy musings from my old bipolar journal, 2008)

i'll be turning 29 this coming november 19, 2008.

bakit ako nagsusulat ngayon? gusto kong i-share ang mga important lessons na natututunan ko sa aking buhay.

kanina,

pasado alas-sais ng gabi,

lumabas ako sa bahay para magpahangin.

kakaiba na naman ang aking nararamdaman. para bang nakukumutan ako ng invisible cloth. wala akong ibang mararamdaman kundi ako at ang mundo.
Pakiramdam ko, kasabay ko sa paghinga ang mundo.

ako at ang mundo ay iisa.

wala akong takot. kahit pa katabi kong nakatambay ang mga tomador sa kanto na di ko naman kakilala.

nakikita ko lang ang gusto kong makita.
naririnig ko lang ang gusto kong marinig.

pakiramdam ko kontrolado ko ang mundo.

natuwa ako.

ang sarap ng pakiramdam.

Familiarity.
i feel at home with myself - again.

for the past five months, i've been taking my pills for my affective bipolar.

but recently, i was advised by my doctor to reduce my pill intake.

ang rason: di ko na kayang mag-cope-up sa realities ng mundo ng normal na tao, so to speak.

ang labo no?

ganito yun.
kaiba sa kaso ng karamihan na may ganitong disorder kung saan karaniwan at madalas late adolescent nag-o-occur ang kanilang bipolar disorder.

sa kaso ko, bata pa lang ako, meron na akong bipolar disorder.
rare case ang sa akin.
di-pangkaraniwan ang sabi ng doktor.
bilang resulta,
nasanay na ako sa ganitong mundo.
i was able to develop my own survival and coping mechanism.
that's why when i underwent my medication,
instead na mas umayos ang kalagayan ko, lalo akong nahirapan.

napansin ko, habang tumatagal ang medication ko, maraming nagbago laluna sa aking pag-iisip. ang mga gamot na iniinom ko ay tinutulungan nya akong dalhin sa "normal way of thinking".

ang kaso, hindi ako familiar sa ganung "normal way of thinking".

hindi ako familiar sa mga stimulus na nakukuha ko from my environment.

for example, in my "own world", whenever i see a fresh flower covered with morning dew in the morning, it gives me that highly euphoric feeling that i can almost feel crawling in my veins. as opposed to when i'm on the normal mode (due to my pills), i only see a physical object. i know that it's beautiful but nothingless.

as i've said, since bata may ganitong disorder na ako, with nature's survival instinct gift, i was able to develop my "own survival and coping mechanism." in short, eto na ang naging "normal" sa akin.

sa 28 years of my existence, ganito na ako. at nakapag-adapt na ako sa mundong ginagalawan nating lahat.
sabi ng mga doctor ko, masuwerte ako.
and i agree.
my God and Nature have blessed me.

Fascinating isn't it?

even my doctor felt like it.

do you think i still need to take my pills?

DANGER NOTE: I STRONGLY ENCOURAGE PEOPLE NOT TO DEVIATE FROM THEIR MEDICATION.

PLEASE CONSULT YOUR PSYCHIATRIST BEFORE DOING ANYTHING.

No comments: