(crazy musings from my old bipolar journal, 2008)
Mahigit dalawang dekada na ang lumipas pero parang fresh pa rin aking memory ang aking first encounter with the unknown.
sa pagkakatanda ko, mahigit dalawang taong gulang pa lang ako,
normal na sa akin na makakita ng mga out-of -this world things.
i just assumed, lahat ng bata ay nakakaranas din ng mga extraordinary things na ito.
Sa napakamurang isipan kong ito hanggang sa mga sumunod pang mga taon ng buhay ko, ito ay naging bahagi ng aking NORMAL na REALIDAD.
At nais ko itong ibahagi ito sa inyo.
naglalakad kami isang gabi ng aking mommy at yaya.
Napakadilim nuon.
wala pang mga streetlights ang aming baryo sa isabela.
Padaan kami sa isang maliit na kalye na tinutubuan ng mga kahoy ng kawayan. Kilala sa baryo namin na may mga nakatirang maligno dito.
Pero mas kilala sa paring pugot habang hawak-hawak ang pugot nitong ulo.
Kaya pagsapit ng gabi,
madalas sa hindi,
iniiwasan o kaya nagtatakbuhan kapag napapadaan sinuman sa lugar na ito.
Pero ng gabing napadaan kami dun, out of nowhere, biglang may sumulpot na isang parang lumang army boot sa aming likuran.
wala syang kapares.
at ang nakapanghihilakbot, lumulundag at naglalakad syang mag-isa.
May sound effects pang kasama na animo'y parang robot habang patay sinding umiilaw ang mga maliliit na butas at lalagyanan ng sintas nito. sobrang nagulat ako. napasigaw ng malakas sa takot.
Sinabi ko ito sa aking mommy at yaya na may sumusunod na sapatos sa likuran namin.
Sa totoo lang, di ko sigurado kung may nakikita din talaga sila.
Pero nagsimula kaming nagtatakbong tatlo.
At naaalala ko clearly, dahil sa bulingit pa ako, nakalambitin ang magkabilang kamay ko sa mga kamay nila. Hinahabol kami ng "lighting-jumping-boot". mabilis ito kahit maliliit ang lundag. Parang sa pelikula ang mga sumunod na eksena, eksaktong napadaan kami sa tapat ng simbahan ng Katolika Independente, sa aking pagkamangha, parang nag-burst yung sapatos na yun ng mapatapat sa simbahan.
WOOOOW!
Magical diba? Parang fantasy adventure sa pelikula.
sa totoo lang,
it might be very strange, weird or scary for other people how my ordinary day goes by but hey i'm living in the most interesting and very stimulating world.
Don't i?
but whatever it is,
at the end of the day,
i really thank my Creator for giving me this very special way of appreciating the Life He has created around me.
Wednesday, February 24, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment