Wednesday, February 24, 2010

birthday pills.

(crazy musings from my old bipolar journal, 2008)

i'll be turning 29 this coming november 19, 2008.

bakit ako nagsusulat ngayon? gusto kong i-share ang mga important lessons na natututunan ko sa aking buhay.

kanina,

pasado alas-sais ng gabi,

lumabas ako sa bahay para magpahangin.

kakaiba na naman ang aking nararamdaman. para bang nakukumutan ako ng invisible cloth. wala akong ibang mararamdaman kundi ako at ang mundo.
Pakiramdam ko, kasabay ko sa paghinga ang mundo.

ako at ang mundo ay iisa.

wala akong takot. kahit pa katabi kong nakatambay ang mga tomador sa kanto na di ko naman kakilala.

nakikita ko lang ang gusto kong makita.
naririnig ko lang ang gusto kong marinig.

pakiramdam ko kontrolado ko ang mundo.

natuwa ako.

ang sarap ng pakiramdam.

Familiarity.
i feel at home with myself - again.

for the past five months, i've been taking my pills for my affective bipolar.

but recently, i was advised by my doctor to reduce my pill intake.

ang rason: di ko na kayang mag-cope-up sa realities ng mundo ng normal na tao, so to speak.

ang labo no?

ganito yun.
kaiba sa kaso ng karamihan na may ganitong disorder kung saan karaniwan at madalas late adolescent nag-o-occur ang kanilang bipolar disorder.

sa kaso ko, bata pa lang ako, meron na akong bipolar disorder.
rare case ang sa akin.
di-pangkaraniwan ang sabi ng doktor.
bilang resulta,
nasanay na ako sa ganitong mundo.
i was able to develop my own survival and coping mechanism.
that's why when i underwent my medication,
instead na mas umayos ang kalagayan ko, lalo akong nahirapan.

napansin ko, habang tumatagal ang medication ko, maraming nagbago laluna sa aking pag-iisip. ang mga gamot na iniinom ko ay tinutulungan nya akong dalhin sa "normal way of thinking".

ang kaso, hindi ako familiar sa ganung "normal way of thinking".

hindi ako familiar sa mga stimulus na nakukuha ko from my environment.

for example, in my "own world", whenever i see a fresh flower covered with morning dew in the morning, it gives me that highly euphoric feeling that i can almost feel crawling in my veins. as opposed to when i'm on the normal mode (due to my pills), i only see a physical object. i know that it's beautiful but nothingless.

as i've said, since bata may ganitong disorder na ako, with nature's survival instinct gift, i was able to develop my "own survival and coping mechanism." in short, eto na ang naging "normal" sa akin.

sa 28 years of my existence, ganito na ako. at nakapag-adapt na ako sa mundong ginagalawan nating lahat.
sabi ng mga doctor ko, masuwerte ako.
and i agree.
my God and Nature have blessed me.

Fascinating isn't it?

even my doctor felt like it.

do you think i still need to take my pills?

DANGER NOTE: I STRONGLY ENCOURAGE PEOPLE NOT TO DEVIATE FROM THEIR MEDICATION.

PLEASE CONSULT YOUR PSYCHIATRIST BEFORE DOING ANYTHING.

my crazy bipolar life 02. jetro-in-wonderland.

(crazy musings from my old bipolar journal, 2008)


Mahigit dalawang dekada na ang lumipas pero parang fresh pa rin aking memory ang aking first encounter with the unknown.

sa pagkakatanda ko, mahigit dalawang taong gulang pa lang ako,
normal na sa akin na makakita ng mga out-of -this world things.

i just assumed, lahat ng bata ay nakakaranas din ng mga extraordinary things na ito.

Sa napakamurang isipan kong ito hanggang sa mga sumunod pang mga taon ng buhay ko, ito ay naging bahagi ng aking NORMAL na REALIDAD.



At nais ko itong ibahagi ito sa inyo.


naglalakad kami isang gabi ng aking mommy at yaya.

Napakadilim nuon.

wala pang mga streetlights ang aming baryo sa isabela.

Padaan kami sa isang maliit na kalye na tinutubuan ng mga kahoy ng kawayan. Kilala sa baryo namin na may mga nakatirang maligno dito.
Pero mas kilala sa paring pugot habang hawak-hawak ang pugot nitong ulo.

Kaya pagsapit ng gabi,
madalas sa hindi,
iniiwasan o kaya nagtatakbuhan kapag napapadaan sinuman sa lugar na ito.

Pero ng gabing napadaan kami dun, out of nowhere, biglang may sumulpot na isang parang lumang army boot sa aming likuran.

wala syang kapares.

at ang nakapanghihilakbot, lumulundag at naglalakad syang mag-isa.

May sound effects pang kasama na animo'y parang robot habang patay sinding umiilaw ang mga maliliit na butas at lalagyanan ng sintas nito. sobrang nagulat ako. napasigaw ng malakas sa takot.

Sinabi ko ito sa aking mommy at yaya na may sumusunod na sapatos sa likuran namin.

Sa totoo lang, di ko sigurado kung may nakikita din talaga sila.

Pero nagsimula kaming nagtatakbong tatlo.

At naaalala ko clearly, dahil sa bulingit pa ako, nakalambitin ang magkabilang kamay ko sa mga kamay nila. Hinahabol kami ng "lighting-jumping-boot". mabilis ito kahit maliliit ang lundag. Parang sa pelikula ang mga sumunod na eksena, eksaktong napadaan kami sa tapat ng simbahan ng Katolika Independente, sa aking pagkamangha, parang nag-burst yung sapatos na yun ng mapatapat sa simbahan.

WOOOOW!

Magical diba? Parang fantasy adventure sa pelikula.


sa totoo lang,

it might be very strange, weird or scary for other people how my ordinary day goes by but hey i'm living in the most interesting and very stimulating world.

Don't i?

but whatever it is,

at the end of the day,

i really thank my Creator for giving me this very special way of appreciating the Life He has created around me.

my crazy bipolar life 01. (as written on vangogh's white wall )

(crazy musings from my old bipolar journal, 2008)


accepting one’s real self is vital to one’s survival.
nature gave each one of us our own unique coping mechanism that once wego against it, most often than not, we will have difficulty surviving this world.



and so i agree.

today is june 6th 2009.

seven months since i wrote my last entry.
the course of my life has definitely took an amazing twists and turns.

HUGE.

after my birthday, weird things started to happen. dahil sa kagustuhan kong ma-control ang mood disorder ko, At dahil na rin sa kagustuhan kong mabigyan ng chance ang effectivity ng bipolar pills. i decided to take it again. unfortunately, i had one of my worst panic attacks.
nasa bakasyon ako sa isabela. bigla akong nagising isang gabi. para akong nalulunod. praning. "take note", i'm taking my prescribed medication.

nakakatakot ang pakiramdam, para akong mawawalan ng hininga. pakiramdam ko mamamatay na ako. sa totoo lang, at this point of time, diko na alam kung bakit ako nagkakaganito. dahil ba sa gamot? one thing is for sure, na-disrupt na yung aking nakasanayang body stimulus.

ang bipolar pills kase supposedly, binabawasan nya ang nararamdaman kong stimulus sa aking katawan. uhmmm.. yun stimilus ko kase sa katawan, masyadong hyper. as in hyper most of the time. kaya laging malikot ang pag-iisip ko.

Unquiet mind.

maya't maya, madampihan lang ng malamig na hangin ang aking katawan, na-a-arouse na ako. yup, you heard it right. hypersexual ako. lagi akong in heat. well, at least i need no longer to take ecstasy pills. haha.(though i haven't tried it yet).

truth is, yung hormones ko ang may problema.

Hormonal imbalance so to speak. Masyadong mataas ang dopamine and serotonin hormone levels sa aking katawan. (mga hormones that maintains our happy state, excitement - basta anything na upper feeling). ang problema sa aking personal na experience, dahil over sa taas nito sa aking katawan, sobrang madali akong mainis, mairita at madalas sa hindi - pikon!

sa totoo lang, ang sabi ng mga experto, delikado ang state na ito. tatlong states kase ang pwede mong puntahan kapag nag-above the normal state ka.

una yung hypomanic state (high ka, pero more or less, pwede kang nasa positive or productive state).

pangalawa, yung manic state naman. (destructive sya pag di na-control, yaikkz. At kapag nangyari yung tuluy-tuloy na shoot-up ng "high state" na ito, dito nagsisimulang mag-crashdown naman ang hormones na ito. ang resulta, negativity to the nth power - anger, hatred, low self-eesteem.

KABLAG!

Depression state ang ending. Ang sad noh?
but it can be definitely prevented naman either with medication or............ without. (take note: this is case to case basis).

sige try kong i-kwento sa inyo yung mga personal kong karanasan sa mga states na ito .


i was diagnosed with bipolar 1 disorder. hallucination is part of it.

but believe it or not, as young as i remember, even before i started to wear my school uniform, I was already experiencing it. before, i thought "mumo" or ghosts were part of the real world. so every now and then, i would normally say, there's a "mumo" somewhere around or near or beside me. ganun lang. parang sixth sense. haha.

little did i know that these things weren't supposed to be real. Ha!
God knows how i struggled to fight my fear everytime i see a "mumo".

maybe if my playmates or yaya or my mommy is not afraid of "mumo" then i wouldn't have this fear towards it. and so, paulit-ulit. minsan araw-araw meron akong mumong nakikita. aaaaaaaaah...


Hmmmmmm... paano ko ba iisa-isahin ang aking mga kwento tungkol sa kanila.
(abangan ang karugtong)