Whew!
katatapos ko lang magsimba ngayon sa u.p. chapel sa diliman
at balak ko sanang mag-jog sa acad oval pero
bigla akong napadaan sa u.p. shopping center para mag-check ng email
at facebook accounts ko.
pero heto ako ngayon at nagsusulat ng tungkol sa aking buhay.
yaikkkzzz... ano ba itong pinaggagawa ko.
hahaha. bahala na.
eniweiz,
ako po si jetro b. rafael.
pangarap maging doktor simula pa bata.
lumaki at
nagtapos ng elementary at high school sa isabela.
Taong 1996.
pumasa sa u.p. diliman at
nagtapos ng pre-med course na b.s. family life and child development.
sabi ng tatay ko, pangarap nyang magkaroon ng anak na lawyer,
pero sabi ng nanay ko, pangarap nyang ituloy ko ang naunsyami nyang
pangarap ng maging duktor.
To please them both,
after kong grumadweyt ng pre-med course ko, naisipan ko namang kumuha
ng pre-requisites para sa kursong law.
man! anglo-saxon american literature ang kinuha ko. wooooow! as in
bumubulwak ang aking dugo. To think na English ang waterloo ko at heto
ako ngayon at nag-aaral ng sinaunang ingles.
Heavy ng trip ko.
Maging duktor at maging lawyer.
Medico-legal ba!
Nalaman ko kaseng konti lang ang doctor-lawyer sa Pinas.
Actually sabi ko sa sarili ko, astig pag natapos ko ang mga ito..
Pagkatapos ng isa o dalawang semester sa pagkuha ng pre-law requirements.
Nakakahiya mang aminin, nag-dropped ako ng mga subjects at bumagsak ng
law aptitude examination sa u.p.
Kaya sabi ko sa nanay at tatay ko, itutuloy ko na lang ang pag-memed.
Summer 2002.
Dalawang buwan bago ang enrolment para sa medical schooling ko,
Pumunta ako sa u.p. vinzons para magpa counsel.
Nalilito pa rin kase ako sa career path ko.
So pinakuha ako ng counselor ng career psychological examination (not
so sure kung ito talaga ang tawag dun).
Ang daming set of exams ang pinakuha.
4-5 na oras bago ko natapos ito.
Pagkalipas ng ilang araw.
bumalik ako para sa assessment ko.
Ang resulta.
Sa arts daw ako pinaka-compatible,
sumunod ang social work related courses.
Sabi ko, e pano po yung pagduduktor ko?
Sabi ng counselor, "its not for you iho".
Lalo akong di makapaniwala nung sinabi nyang sa college of fine arts
daw ako dapat mag-enrol.
Alam mo kung bakit di ako makapaniwala? Sa pagkakaalala ko, wala akong
gaanong background sa arts. Hindi ako nag-dodrowing man lang.
Stick figure siguro pwede pa.
Hay buhay.
Isang linggo bago ang pasukan,
Tandang tanda ko, nasa bahay kaming lahat nun at malapit na kaming maghapunan.
Nanunuod ako nuon ng tv.
Bigla akong tinanong ng nanay ko kung kelan ako magbabayad ng tuition fee.
Marahil nagtataka sya dahil hindi ko pa rin ito hinihingi sa kanya.
Ang totoo nyan, kasama ko kase syang pumila para sa future med school ko.
Sa oras na yun, bigla kong nasabing, "Mey (tawag ko sa nanay ko,
shortcut para sa mommy) sa u.p. na uli ako mag-eenrol".
Lingid sa kanilang kaalaman, nag-apply ako sa u.p. fine arts sa
kursong visual communication. At milagro namang, natanggap ako dito.
Balik sa eksena sa bahay.
Nagulat ang nanay ko. (Usap kami sa Ilocano)..
"aba e di mabuti kung sa u.p. pgh ka."
"Di po sa pgh, sa diliman po".
"ha?, may medicine na ba sa u.p. diliman?"
"sa u.p. fine arts po ako nag-enrol". Mabilis kong sagot.
"ha?" sobrang tulirong sagot ng nanay ko.
"sabi ko po, hindi na po ako mag-memed,
fine arts na po ang kukunin ko". Walang kagatul-gatol kong sagot.
Biglang tumawa ang nanay ko. Akala kase nya nagbibiro ako.
Bigla akong nagseryoso.
Sobrang kumakabog na ang dibdib ko.
Nakatingin na silang lahat sa akin.
Nanginginig na ako sa nerbyos..
Sabay bigla kong sabing, "I'm sorry po, di ko na matutupad ang mga
pangarap nyo sa akin".
Grabe, parang pelikula ang mga sumunod na eksena.
Ang nanay ko na kanina'y naghahanda ng hapunan, ngayo'y humahagulgol
sa hapag-kainan.
Ang tatay ko na kanina'y nakangiti, ngayo'y biglang lumukot ang mukha.
Hay.
Kawawa naman ang mga magulang ko at pinaasa ko sila sa wala.
Walang duktor.
Walang lawyer.
Naiisip ko tuloy.
Napakawalang kwenta ko bang anak?
Pakiramdam ko nung panahon na yun binigo ko sila.
Pero sa loob-loob ko, kailangang patunayan ko sa kanilang hindi ako
nagkamali sa naging desisyon ko.
Anim na taon na ang lumipas simula nung tagpong iyon.
Nagtapos akong CUM LAUDE sa U.P. college of fine arts.
I discovered I was BLESSED with an eye for the arts.
Nakapagtrabaho na sa pelikula, print, tv commercial at ahensya bilang
assistant production designer at art director.
Pero ang piiiiiiiiiiiii…………nakamahalaga sa lahat,
Natagpuan ko na ang aking sarili - ang aking calling, so to speak.
Ang maging ALAGAD NG SINING.
(Sa kasalukuyan, nangongolekta po ako ng mga libro para sa mga batang
mahihirap.
Sa katunayan, meron na po kaming nai-set-up na mini-library ng aking
kaibigan para sa aking barrio sa isabela. Sobrang naniniwala po kase
akong ang pagmumulat sa kahalagahan ng edukasyon ay nagsisimula sa mga
bata.
Kung magiging successful po ito, balak ko po sanang ipagpatuloy ang
pagse-set-up ng mga mini-libraries para sa mga batang nakatira sa mga
liblib na sulok ng bansa.
Sa ngayon po, nasa final editing stage na rin po ako para sa aking
kauna-unahang full-length art film.
At sa mga darating na buwan ay lalabas na rin po ang aking travel
photographs mula sa aking mga paglalakbay sa asya sa pamamagitan ng
isang travel-postcard book.
At ang pinakamahalagang basbas sa aking buhay,
ay ang lubos na pagmamahal, pagkalinga at pagkupkop ng AMANG LUMIKHA,
sampu ng aking pamilya at mga kaibigan sa pagharap at pagtanggap sa
bagong hamon ngayon sa aking buhay -
ang aking pagkakaroon ng bipolar affective disorder
na kamakailan lamang ay clinically
diagnosed ako.
Hanggang sa muling masayang paglalakbay kaibigan).
Friday, July 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
wrote about Van Gogh is Bipolar Cafe -
http://randomthoughtsandthings.wordpress.com
thank you Lord. 2 years have passed, my first published travel book is out. my first artfilm documentary was shown in CCP. and well, my library in the barrio didn't work. but hopefully can bring it alive again in the future.after my diagnosis for my bipolar disorder, and the most amazing thing in my life happened - van gogh is bipolar was born. the Universe is so abundant. God bless us all. - jetro/
Hi, Jetro! Tagal na nito, ah. Looking forward to reading more.
Post a Comment